(Ni JOEL O. AMONGO)
Tumaas ng 13 porsiyento ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) nitong nakaraang buwan ng Setyembre.
Base sa preliminary figures na iinilabas ng BOC’s Statistical Analysis Division (SAD), ang P59.209 billion collection nitong Setyembre 2019 ay P6.789 bilyon, mas mataas kung ikukumpara sa P52.42 billion collection para sa parehong panahon noong 2018.
Ayon sa SAD, ang paglaki ng revenue collection ay bunsod ng pagtaas ng volume of importation, pagtaas ng collection bilang resulta na rin ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, Rice Tariffication Law at ang National Food Authority tax expenditure collection.
Malaking ambag din umano ang patuloy na pagtaas ng revenue collection ng siyam (9) mula sa labing pitong (17) collection districts ng BOC na kung saan nalagpasan ang kani-kanilang targets para sa buwan ng Setyembre.
Kabilang sa mga ito ang tatlong (3) billionaire ports ng Bureau na kinabibilangan ng Ports of Limay, Cagayan de Oro at Subic na nakapagtala ng total collection na P5.065 billion, P3.197 billion at P3.107 billion, ayon sa pagkakasunod.
Kabilang din ang Ports of San Fernando, La Union na nakapagtala ng P333.25 million collection; Iloilo P257.38 million; Tacloban P145 million; Surigao P4 million; Zamboanga P26.81 million; at Aparri P13.53 million.
Samantala, ang Ports of Batangas at ang Manila International Container Port, bagama’t nawawala sa kanilang targets para sa nasabing buwan, ay nakakolekta naman ng highest revenue na P15.514 billion at P14.634 billion, ayon sa pagkakasunod.
Bukod dito, ang Port of Manila ay nakakolekta ng P5.667 billion revenue; P3.745 billion ang NAIA; P2.598 billion ang Cebu; P1.997 billion ang Davao; P13.56 million ang Legaspi; at P187.83 million ang Clark.
126