SHIPMENT NG CIGARETTE-MAKING MACHINES SENTRO NG CHINA-DOF TALKS

Secretary Carlos Dominguez III-CIGARETTE-MAKING MACHINES

(Jomar Operario)

Sentro ng nakatakdang pakikipag-usap ni Department of Finance (DOF)  Secretary Carlos Dominguez III sa Chinese Customs officials ay may kinalaman sa shipment ng cigarette-making machines sa Pilipinas.

Ang nasabing pakikipagtalakayan  ni Dominguez sa Chinese Customs officials ay para mawakasan ang patuloy na ilegal na paggawa ng sigarilyo sa Pilipinas ng mga negosyanteng  hindi nagbabayad ng kanilang buwis.

“We are going to talk to their Customs about a number of issues and one of them is going to be these cigarette-making machines. We are not certain that all of them come from China but our best guess is that majority of them come from China,” ayon kay Finance Secretary Dominguez.

Ang mga ito ay ‘unregistered cigarette-making machines’  na ginagamit sa paggawa ng sigarilyo sa Pilipinas at nandaraya sa buwis dahil hindi sila nagbabayad.

Ginagamit umano ang nasabing mga makina sa paggawa ng sigarilyo na kinokopya nila ang mga lehitimong brand ng sigarilyo na nasa merkado sa Pilipinas.

Nabatid na milyun-milyong piso ang nawawala mula sa gobyerno dahil sa mga paggawa ng sigarilyo sa pamamagitan ng nabanggit na mga makina na nagmumula sa bansang China.

Nitong nakaraang buwan, sinabi ng BOC na ang Chinese counterparts ay pumayag na mapag-aralan  ang naturang usaping may kinalaman sa cigarette-making machine exports sa Pilipinas.

Nabatid na ang shipments ng nasabing mga makina sa paggawa ng sigarilyo ay hindi lamang sa Luzon kundi sa iba pang lugar sa bansa.

Nauna na  ring sinabi ng  BOC na isinasapinal na ang pagkakaroon ng bilateral agreement sa pagitan ng dalawang ahensya ng dalawang bansa para sa posibleng pinagsamang operasyon laban sa pagpasok sa bansa ng mga puslit na kargamento.

77

Related posts

Leave a Comment