SMUGGLED YOSI MULA ZAMBO SILAT SA CEBU

ISA na namang kontrabandong naglalaman ng mga smuggled na sigarilyo ang nahagip ng Bureau of Customs (BOC) sa lalawigan ng Cebu. Ang itinuturong pinanggalingan – Zamboanga na naman!
Sa kalatas ng BOC-Cebu, umabot sa 700 reams ng imported na sigarilyong laman ng delivery van na sakay naman ng isang ferry boat ang nasilat ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) habang binabaybay ang karagatan papunta sa Camotes Island.

Pagtataya ng BOC-Cebu, nagkakahalaga ng hindi bababa sa P0.35 milyon ang nakumpiskang kontrabando. Kumpiskado rin ang delivery van, ayon sa mga operatiba.

Base sa ulat ng PCG, wala umanong naiprisintang dokumento ang drayber at pahinante ang delivery van kung saan nadiskubre ang mga smuggled na sigarilyo – hudyat para sa agarang pagkumpiska ng itinuturing na kontrabando.

Nahaharap naman sa kasong paglabag ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act ) ang hindi pinangalanang drayber at pahinante ng delivery van.
(JO CALIM)

19

Related posts

Leave a Comment