SMUGGLED YOSI SILAT SA NEGROS, 3 TIMBOG

TODO tanggi ang tatlong indibidwal na huli sa akto ng pagbibiyahe ng nasa P2-milyong halaga ng pinaniniwalaang smuggled na si­garilyo sa baybaying bahagi ng Cauayan sa lalawigan ng Negros Occidental.

Kinilala ang mga arestadong suspek na sina Randy Calago ng Dipolog City, Rolando Lanario at Joel Carvana na kapwa residente ng Hinigaran ng nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon, lumalabas na nakatanggap ng timbre ng Cauayan Municipal Police Station hinggil sa paglalayag diumano ng isang bangkang-de-motor na kargado ng mga smuggled na sigarilyo mula sa Dipolog.

Dito na nakipag-ugnayan ang lokal na pulisya sa Bureau of Customs (BOC) na nagkasa ng operasyon kasama ang mga operatiba ng nasabing kawanihan. Sa imbentaryo, nasa 133 master cases ng imported na sigarilyo ang nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at BOC matapos mabigo ang tatlong suspek na magpakita ng anomang dokumentong patunay na legal ang ibinibyaheng kargamento. Nahaharap naman sa kasong paglabag ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) ang mga arestadong suspek.

35

Related posts

Leave a Comment