SMUGGLING NG ASUKAL PURNADA SA LANGGAM

NAPURNADA ang tangkang pagpuslit ng pri­merang klase ng asukal sa bansa makaraang dumugin ng mga langgam ang kargamentong laman ng isang dambuhalang container sa Port of Subic kamakailan.

Sa tala ng Bureau of Customs (BOC), hindi bababa sa P16.7 milyong halaga ng asukal ang nabuko sa isinagawang inspeksyon ng mga tauhan ng Port of Subic base sa timbre ng isang impormante bago pa man lumapag ang nasabing kargamentong inangkat ng Multi-Subsonic Marketing Company.

Base sa impormasyon ng Port of Subic, idineklarang panglampaso at basurahan ang laman ng container van na may sukat na 14×20. Su­balit nang inspeksyunin ng mga operatiba, kasama ang mga kinatawan mula sa Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), Philippine Drug Enforcement

Agency (PDEA) at Sugar Regulatory Administration (SRA), tumambad ang bulto-bultong asukal.

Bunsod nito, agad na piniit ang kargamentong hindi naman nabatid kung saang bansa nagmula.

Kasong paglabag ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) ang nakatakdang isampa laban sa Multi-Subsonic  Marketing Company. (BOY ANACTA)

2

Related posts

Leave a Comment