SMUGGLING VS 3 IMPORTERS, CUSTOMS BROKERS ISINAMPA NG BOC

0

Nagsampa ng kasong smuggling ang Bureau of Customs (BOC), sa pamaยญmagitan ng kanilang Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS), sa Department of Justice (DOJ) laban sa tatlong importers at kanilang customs brokers para sa paglabag sa iba’t ibang mga batas ng Customs, patakaran at regulasyon.

Isinampa ang kaso laban sa JOBADEC INTERNATIONAL TRADING at kanilang customs broker para sa umano’y importasyon ng iba’t ibang ‘infringing and counterfeit merchandise’ noong Nobyembre 1, 2020, sa Manila International Container Port (MICP). Ang halaga ng kalakal ay nasa P729,730.14.

Isa pang criminal case ang isinampa laban sa CWON-PAMPANGA MOTORS TRADING INC. at kanilang customs broker para sa umano’y misdeclaration ng isang 40-footer container ng iba’t ibang general merchandise na may halagang P2,756,271.65. Ang insidente ay naganap noong Nobyembre 26, 2020, sa MICP.

Isang magkahiwalay na criminal case ang sinampa laban sa AGILITY SOLUTIONS INC. at kanilang customs broker dahil sa ‘unlawful importation’ ng regulated chemicals na may halagang P8,870,127.56 noong Oktubre 22, 2020, sa MICP.

Ang Customs Brokers na sangkot sa umano’y illegal importation ang nahaharap din sa administrative cases sa Professional Regulation Commission (PRC).

Ang pagsasampa ng mga kaso ay naging posible sa pamamagitan ng malakas na koordinasyon at kolaborasyon ng BATAS sa Manila International Container Port.

Mula Enero 1 hanggang Abril 8, 2021, ang BOC ay nagsampa ng 24 criminal cases laban sa iba’t ibang importers at customs brokers.

Ang BOC ay mananatiling matatag sa pagprotekta sa national borders laban sa ilegal na kalakal at walang prinsipyong negosyante. (Jo Calim)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment