SOLAR MODULES MULA CHINA, SABAT SA CEBU

0

SA halip na makatipid, bulil­yaso ang negosyo ng isang importer makaraang masabat ng mga kawani ng Bureau of Customs – Port of Cebu (BOC-POC) ang 470 panels ng mga bagong solar modules na inangkat pa mula sa bansang Tsina.

Sa pagtataya ng BOC-POC, aabot sa P2.6 milyon ang halaga ng mga nasabat na brand new solar modules na nasilat ng kawanihan sa Port of Cebu nito lamang nakaraang Martes.

Sa pahayag ng BOC, deklarado bilang Used Solar Modules ang nasabing karga­mentong agad nilang inindorso sa BOC Environmental Protection and Compliance Division-Enforcement and Security Service (EPCD-ESS) bilang pagtitiyak na walang peligrong dulot ang mga ito sa kalusugan at kapaligiran.

Kasama ang mga kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ESS, Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS),

X-Ray Inspection Project Team, Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), agad na nirebisa ang laman ng nasabing kargamento subalit sa halip na lumang solar panels, tumambad ang mga bago at selyado pang solar modules.

Sa isinagawang beripika­syon, lumalabas na walang pre-shipment importation clearance ang nasabing kargamento. Paliwanag ng kinatawan ng importer, hindi na kailangan ng clearance mula sa DENR ang kanilang importasyon dahil brand new solar modules naman ito.

Bunsod nito, maagap na nagpalabas ng Alert Order at Warrant of Seizure and Detention si POC acting District Collector Charlito Martin Mendoza dahil iba aniya ang deklarasyong nakasaad sa mga isinumiteng dokumento sa kanilang kawanihan.

Ani Mendoza, isang malinaw na paglabag sa Customs Modernization Act ang maling deklarasyon sa mga kalakal. Lumalabas din sa kanilang pagtatala na hindi bababa sa P190,000 ang nawala sa gobyerno bunsod ng misdeclaration.

Dagdag pa ng opisyal, “grossly undervalued” ng 155% ang nasabing kargamento.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment