BAGAMAN malaki ang naging epekto ng pag-alburuto ng Bulkang Taal sa Bureau of Customs (BoC), tiniyak ng mga opisyal ng Port of Ninoy Aquino International Airport na lalo pa nilang palalakasin ang kanilang koleksyon para sa taong 2020.
Kaya naman sa kanilang pagpupulong, naging slogan ng BOC-NAIA ang “Start Strong Port of NAIA.”
Upang maging maayos ang palakad sa nasabing tanggapan, pinangunahan ni Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan ang orientasyon ng mga bagong personnel kabilang ang tatlong abogado at 47 security guards kung saan tinalakay at binigyang diin ang kahalagahan ng mandato ng revenue collection, border protection at government service.
“I am proud of all the achievements we all did last year and let us all look forward to an even more impressive and remarkable achievements this 2020,” ayon kay Talusan.
Bilang tugon naman sa mga usaping nilinaw sa kanila ni Talusan, nangako naman ang mga dati at bagong empleyado na mas paghuhusayin pa nila ang kanilang trabaho sa pamamagitan nang pagprotekta sa bansa laban sa mga ilegal na kargamento nan ais mapalusot sa pambansang paliparan.
Matatanadaang noong 2019, naipagmalaki ang magandang performance ng Port of NAIA kung saan nakapagtala sila ng 61 drug seizure dahil sa hardworking team, nakapagligtas ng 3, 084 wildlife species, nakakumpiska ng 42,000 kilos ng karneng hinihinalang apektado ng African Swine Flu.
Nakakumpiska rin ang nasabing puerto ng dalawang eroplano , 10 imported pistol at 97 firearms parts at smuggled na bala. (Joel O. Amongo)
391