SUBASTAHAN KASADO PARA SA P39M SMUGGLED SUGAR

SA hangaring makapagsampa ng karagdagang pondo, ikinasa ng Bureau of Customs (BOC) ang isang public auction para sa mga smuggled refined sugar na nasabat sa Port of Subic kamakailan.
Partikular na tinukoy ng BOC sa isang kalatas ang 19 na containers na nasabat ng BOC-Subic sa gitna ng agresibong kampanya kontra agri-smuggling na bahagi ng mga direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Sa pagtataya ng kawanihan, nasa P39 milyon ang inaasahan madagdag sa koleksyon ng ahensya mula sa refined white sugar na tinangkang ipuslit sa bansa sa gitna ng kapos na supply nitong mga nakalipas na buwan.

Bagamat tapos na ang itinakdang petsa para sa pagsusumite ng mga dokumento kung saan nakatala ang alok na presyo ng mga bidders para sa sinusubastang refined white sugar, nakatakda naman ang pagbubukas ng “sealed bids” sa unang araw ng Disyembre sa Building 306, BoC-Port of Subic Canal Road, Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) sa lungsod ng Olongapo.

Kabilang sa mga isinusu­basta ang “9X20” and “5X20” Cristalla Supreme Refined Sugar (para sa kabuuang halagang P27 milyon), na dumating sa bansa noong Nob­yembre 22 at 27. (JO CALIM)

44

Related posts

Leave a Comment