SULIT KITA SA X-RAY MACHINES

KUNG pagbabatayan ang imbentaryo ng kitang pumasok sa Bureau of Customs (BOC) para sa nakaraang taon, sulit ang salaping ginamit ng ahensya sa modernisasyon sa hangaring tiyakin ang pagpasok ng angkop na koleksyong kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kalakal sa bansa.

Partikular na tinukoy ng X-Ray Inspection Project (XIP) ang mga x-ray machines sa isang ulat kung saan lumalabas na hindi bababa sa P113 milyon ang pumasok na dagdag kita ng kawanihan mula sa kargamentong dating hindi pinapatawan ng angkop na taripa.

Sa datos ng ahensya, lumalabas na 13% higit na mataas ang pumasok na taripa kumpara sa nalikom na kita para sa taong 2020.

Ulat pa ng XIP, nasa 847,950 containers ng mga kargamento ang kanilang ginamitan ng mga x-ray machines sa hangarin tiyaking walang bulilyasong epektos ang laman ng mga nakakubling kargamento.

Taong 2020, nasa 513,950 containers lang ang nasuri ng mga x-ray machines ng kawanihan dahil na rin sa kakulangan ng mga kagamitan sa 17 puerto sa iba’t ibang panig ng bansa, bagay na tinugunan ng kawanihan sa pagtatalaga ng 124 x-ray machines sa 17 district collection offices ng BOC.

Bahagi din ng ulat ng XIP ang pagkasabat ng droga at iba pang iligal na epektos na nagkakahalaga ng P363,130,812 nito lamang nakaraang 2021.

98

Related posts

Leave a Comment