PUNA ni JOEL O. AMONGO
MARAMING tanong kaysa sagot kung tapat ang ating opisyales sa Commission on Audit sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Ilan sa mga katanungan na dapat mabatid ng taumbayan ang tamang kasagutan ay kung sino ang nga taong bayad na ang sahod pero nangungulimbat pa rin sa pondo ng gobyerno na sila dapat ang magprotekta.
Mga tanong sa kumakalat na alingasngas tungkol sa tinatawag na “Super Friends” sa loob ng COA, na sila dapat ang taga-bantay sa pera ng taumbayan:
Sino si Superman sa loob ng COA? Sino si Super Cat? Sino si Super Boy? Sino si Batman at Robin?
Isa sa COA ‘Super Friends’ ay kilalang tirador ng mga kontrata sa gobyerno gamit ang iba’t ibang construction companies ng kanyang ex-girl friend na nagmula sa mahirap na pamilya sa isang malayong probinsiya.
Itanong natin sa mismong bossing ng COA kung alam nyang naghakot ng higit bilyon-pisong government contracts mula sa ilang national govt agencies at LGUs itong isang Super Friend.
Ano naman ang kapalit ng pagbigay ng govt projects sa nasabing Super Friend?
Siyempre pa, luluwagan ng kanyang mga piling auditors ang pagbusisi ng mga libro ng gastusin o pondo ng mga “friendly” at mapagbigay na ahensya ng gobyerno, lokal man o nasyunal.
278