TAMANG TAX COLLECTION PAGBUBUTIHIN PA

TAX-3

(Ni Jo Calim)

Upang higit pang mapagbuti ang tamang pangongolekta ng buwis, nagsagawa ng  Annual Assessment Summit ang Bureau of Customs (BOC)  kamakailan sa Diamond Hotel, Manila.

Pangunahing tinalakay sa naturang pagtitipon ang may kaugnayan  sa ‘assessment methods’ na gamit sa pagdetermina ng tamang valuation and classification ng goods at pangongolekta ng tamang duties at taxes sa mga kargamentong pumapasok sa bansa.

Kasama rin sa tinalakay ang special permits mula sa concerned government agencies para matiyak ang seguridad ng consuming public at protektahan na rin ang local industries.

Matatandaang maraming nasasabat ang iba’t ibang pwerto ng bansa na mga pekeng produkto na kinabibilangan ng mga sapatos, damit, bag, relo at gadgets na kinopya umano sa mga orihinal na gumagawa ng mga ito.

Madalas nakakasabat ang BOC Port of Zamboanga ng mga pekeng sigarilyo na nagmumula sa kalapit na bansa sa Asya na tulad ng China.

Ito umano ang kahalagahan ng isinagawang Annual Assessment Summit ng BOC para makatulong na rin sa kanilang serbisyo sa publiko at sa mga stakeholder.

Kabilang sa mga dumalo sa summit ay ang assessment officers mula sa Luzon District Ports kasama ng Port of Manila (POM), Manila International Container Port (MICP), Port of Batangas, Port of Subic at Port of Clark.

181

Related posts

Leave a Comment