TARGET COLLECTION NG SUB-PORT NG DUMAGUETE NALAGPASAN

SUB-PORT OF DUMAGUETE-2

Nalagpasan ng sub-port ng Dumaguete ang kanilang monthly collection target.

Mula sa P353.325 milyon collection  target,  nakapagtala sila  ng  actual collection na P451.075 milyon.

Ang tagumpay na ito ng puwerto ay ipinaabot  ni Sub-Port Collector Fe Lluelyn Toring  kay Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu  Acting District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza sa pagdalaw nito  kamakailan sa  naturang puwerto.

Ang Sub-Port of Duma­guete ay nasa ilalim pa rin ng pangangasiwa ni Mendoza.

Ipinaabot pa rin ni Toring ang mahigpit nilang pagmamatyag  laban sa pagpasok ng illegal goods.

Sinabi naman ni Mendoza na bilang acting district collector siya ng BOC-Port of Cebu ay kailangan niyang matugunan ang pangangailangan ng nasabing sub-port.

Matatandaang kamakailan lamang ay itinalaga ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero si Mendoza bilang bagong District Collector ng Port of Cebu. (Boy Anacta)

115

Related posts

Leave a Comment