TIRADOR NG CIIS INTEL OFFICIAL ‘JOEL LAWIN’, P1-M TARA ANG HIRIT

Imbestigahan natin Ni LUCAS CASTIGADOR

ISANG opisyal mula sa Intel Group ng Aduana ang guma­gawa ng kabulastugan habang mahigpit ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) sa katiwalian at korapsyon.

May sumingaw ka­sing katiwalian sa Aduana na kinasasangkutan umano ng isang opisyal ng BOC.

Ayon sa sumbong sa Imbestigahan Natin, isang opisyal mula sa Intelligence Unit ng BOC ang tinukoy na nanghihingi ng “tara” mula sa mga negos­yante.

Isang milyong piso lang naman ang hini­hingi ng opisyal na ito sa bawat lata, o container, na pumapasok sa bayan ni Juan (Pilipinas).

Grabe ang mamang ito dahil parang gusto niya siya na lang ang ipaghahanapbuhay ng mga negosyante.

Sobrang laki ng hinihingi nito, kung dati pumutok na libu-libo lang ang hinihinging tara sa bawat lata, ngayon mas matindi dahil umaabot pa ng isang milyong piso.

Wow!

Kung hindi naman magbigay ang importer at broker ng hinihingi ng opisyal na ito, piperwisyuhin ng kumag na ito ang mga negosyo ng kinokotongan ng isang milyon.

Ang ginagawa raw ng opisyal na ito ay palalabasan ng “alert order” ang shipment ng broker at importer na hindi sumusunod sa kanyang hinihinging tara.

Ibang klase kang manggipit sa mga negosyante, alam ba ng pamunuan ng BOC ‘yang pinaggagawa mo?

Alam ng Imbestigahan Natin na galit si Comm. Rey Leonardo Guerrero sa mga tiwaling tao, lalo na ang nasa ilalim ng kanyang pamumuno.

‘Pag tinamaan ka ng hagupit ni Leon Guerrero… este Rey Leonardo Guerrero, sa kangkungan ka dadamputin.

Naku Sir!, Magba­lut-balot ka na dahil bilang na ang mga araw mo sa BOC.

Lalo na ngayon na isa sa tinukoy ni Senador Manny Pacquiao ang BOC na korap na ahensiya ng gobyerno.

Ang daming pagbabagong ginawa si Guerrero sa BOC para lang gumanda ang kanilang koleksyon sa duties at taxes, pero ikaw sinisira mo ang diskarte ng dating heneral.

Sino ka ba?

Nariyan na ang full computerization sa transaksyon sa Aduana tulad ng Customer Care Center(CCC) sa lahat ng district collection units sa buong bansa.

Gumawa rin ng patakaran si Guerrero na maging paperless ang lahat ng transaksiyon ng importers at brokers sa Aduana.

Para na rin maiwasan ang face to face transaction dahil sa posibleng hawaan ng COVID-19 pandemic, lalo na ngayon na pumasok na ang ang Delta Variant sa Pilipinas kung saan ito raw ang nanalasa sa India at Indonesia na pumatay ng marami nilang residente.

Tingnan natin kapag nalaman ni General Guerrero ang kalokohan mo. Tiyak may paglalagyan ka.

45

Related posts

Leave a Comment