UGNAYANG BOC, CHINESE EMBASSY MAS PINALAKAS

KAPWA nanindigan ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) at Embahada ng bansang Tsina na higit na angkop na palakasin ang bilateral relations partikular sa mga pinaiiral na “customs policies.”

Sa isang pulong kamakailan, tinalakay nina Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz at Economic and Commercial Counsellor of the Embassy of China in the Philippines Counsellor Yang Guoliang ang mga mekanismong magbibigay-daan para maisakatuparan ang 7-point agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kabilang sa mga adyendang isinusulong ng Pangulo ang zero-tolerance para sa mga sindikato sa likod ng pagpupuslit ng droga, armas at produktong agrikultura; pagpapaigting ng koleksyon ng kawanihan, pagsupil sa mga tiwali at siento-por-sientong modernisasyon ng BOC.

Pangako ni Yang, titiyakin ng kanilang pamahalaan na makikipagtulungan sa pamahalaan at susundin ang mga pinaiiral ng reglamento ng BOC ang mga lehitimong negosyanteng Tsino.

Tugon naman ni Ruiz, mas pagbubutihin pa ng kanyang pinamumunuang kawanihan ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga negosyanteng Tsino para sa mas mabilis at maunlad na kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. (JO CALIM)

147

Related posts

Leave a Comment