UNMARKED DIESEL FUEL HULI SA BOC-PORT OF LIMAY

MATAGUMPAY na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Limay, sa pamamagitan ng Enforcement and Security Service (ESS), ang isang (1) lorry truck at isang (1) trailer na naglalaman ng 40 kiloliters ng diesel noong Mayo 21, 2023 sa Seafront Shipyard at Port Terminal Services Corporation sa Barangay Lucanin, Mariveles, Bataan.
Ang nasabat na diesel ay napaulat na nakatakda sanang isakay sa mga barkong Meridian Cinco at MV Seaborne Cargo 7 na kung saan ay kasalukuyang isinasailalim sa repair services sa nabanggit na shipyard.

Base sa nakuhang mga dokumento, lumalabas na ang pakay na 40 kiloliters ng diesel ay mula Cabatuan, Isabela.

Ang mga kinatawan mula Société Générale de Surveillance (SGS) na kumuha ng samples ng diesel ay nagsagawa ng fuel marking testing para malaman ang presensiya ng isang fuel marker.

Ang testing ay nagtala ng initial result of 0% presence of fuel marker. Isang confirmatory test din ang isinagawa sa sample na kinuha at nakumpirma ang 0% presensiya ng fuel marker.

Bilang resulta, si District Collector Alexandra Y. Lumontad ay nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention laban sa nahuling lorry truck at trailer kasama ang unmarked diesel para sa paglabag sa Sections 113 (a), (f), (k) at (I.1) ng Republic Act No. 10863 o mas kilala bilang “Customs Modernization and Tariff Act” and DOF-BOC-BIR Joint Circular 001-2021.

Ang Port of Limay, sa ilalim ng patnubay ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ay nananatili sa kanilang pangako sa pagpapalakas ng kanilang anti-smuggling at border control operations para tiyakin na ang petroleum products na hindi nagbabayad ng duties and taxes ay hindi maibebenta sa lokal na pamilihan. (JO CALIM)

109

Related posts

Leave a Comment