UTOS NI GUERRERO SA MGA BAGONG CUSTOMS POLICE: TUMULONG SA PAGSUGPO VS. KATIWALIAN

BAGONG CUSTOM POLICE

(Ni BOY ANACTA)

Kasabay ng pangaral, ay inutos na rin ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero sa 90-newly hired Customs police na tulungan siyang linisin ang ahensya mula sa katiwalian.

Sa kanyang speech sa  idinaos na  reception ceremony sa bagong Customs police batch AGILA (Alagad ng Gobyerno na Iaalay ang Lahat para sa Aduana) kamakalawa sa Port of Manila, pinaalalahanan niya ang mga ito  ukol sa  kanilang  duties at responsibilities bilang law enforcers at  public servants.

Pangaral ng opisyal  na bilang law enforcement agents, sila ang magsilbing magandang ehemplo partikular sa pagsugpo ng katiwalian.

Paalala pa ng Customs chief,  na gawin ang kanilang mga trabaho na naaayon sa batas at iwasan na masangkot sa katiwalian.

Dahil na rin dito, hiling ng opisyal sa mga bagong pulis na maging  katuwang niya sa paglilinis ng ahensiya mula sa katiwalian.

“Lilinisin ko ang Bureau of Customs at inaasahan ko na makakatulong kayo at tutulong kayo sa akin sa paglilinis dito,” pahayag pa ng Customs chief.

Ang mga bagong tanggap na ahente ng BOC, ay sumailalim sa ‘5-day orientation program at 40 days  na basic course training’.

101

Related posts

Leave a Comment