Walang lumahok na bidders 5 LUXURY CARS DI NAISUBASTA NI ANGEL F. JOSE

TALIWAS sa inaasahan, hindi nagawang perahin sa itinakdang araw ng public auction ng Bureau of Customs (BOC) ang limang kumpis­kadong luxury vehicles na pinaniniwalaang iligal na ipinuslit sa bansa – ang dahilan, walang sumipot na bidder.

Gayunpaman, kumpiyansa ang pamunuan ng BOC na madi-dispatsa ng kanilang ahensya ang limang mamahaling sasakyang inaasahang
magbibigay ng dagdag pana­nalapi sa gobyerno para ipantustos sa COVID-19 pandemic response.

Kabilang sa mga sinusubastang sasakyan ng kawanihan ang 2008 Ferrari Scuderia 430 (P23.23M), 2001 Porsche Boxster (P1.79M) at tatlong Mercedes Benz – 2011 E220 (P1.49M), 2001 SLK55 (P1.32M ), at 2001 SLK350 (P1.25M).

Ayon kay Customs Deputy Commissioner Edward James Dy Buco, magtatakda sila ng panibagong petsa para sa second auction, bagamat hindi naman niya sinabi kung kailan.

Sa isang press briefing na ginanap ilang sandali ma­tapos magdeklara ng “failed bidding” ang kawanihan, sinabi naman ni Customs Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla na posibleng idispatsa na lamang nila ang mga naturang luxury cars  sa paraan ng “direct negotiation,” tulad ng ginawa ng kanilang ahensya nitong mga nakaraang taon.

Hindi rin anila planong wasakin ang mga kumpiskadong supercars tulad ng nakagawian. Katwiran ni Maronilla, higit na kailangan ng pamahalaan na makalikom ng salaping pantugon sa pandemya – bagay na sinang-ayunan naman umano ng Pangulong Rodrigo Duterte at ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Higit pa sa salapi, nais din aniya nilang patunayang seryoso ang kawanihan sa kanilang kampanya kontra smuggling.

“Our rule before was to really destroy smuggled cars — that’s the instruction of the President. We were very strict about it because it yielded good results for us — it really became a strong deterrent to luxury vehicle smuggling. But then again, because we had a pandemic, the Commissioner deemed it proper to seek guidance from our higher-ups,” ani Maronilla.
Mistulang nalugmok ang ekonomiya ng maraming bansa – kabilang ang Pilipinas,

sa kasagsagan ng pandemya nito lamang nakaraang taon. Patunay nito ang pagbagsak ng koleksyon ng kawanihang nakalikom lamang ng P537 bil­yon para sa taong 2020, malayo sa P630.3 bilyong nai­tala noong 2019.

Gayunpaman, sa kabila ng pandemya, nagpatuloy ang operasyon ng sindikato sa likod ng iligal na pagpupuslit ng mga mamahaling sasak­yang ani Maronilla ay kanila rin namang natunton at kinum­piska nito lamang mga buwan ng Mayo ay Hunyo.

Pag-amin ni Maronilla, karaniwang ipinupuslit ang mga luxury cars sa Port of Manila at Manila International Container Port.

“They’ve been using our Port of Manila and the Manila International Container Port, hoping that they can pass  the cars off as brand new cars of different models so that they can evade payment of the right duties and taxes,” dagdag pa ng opisyal.

2

Related posts

Leave a Comment