WALANG UMAY KONTRA ‘UKAY’

0

SA tulong ng mga impormante, nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Cebu ang P2-milyong halaga ng mga pinaglumaang damit na inangkat pa mula sa bansang Korea.

Sa impormasyong mula sa BOC, Setyembre 7 nang masabat ng mga kawani ng Port of Cebu ang 288 balyenang naglalaman ng mga ukay-ukay na karaniwang ibinebenta sa merkado sa kabila pa ng batas na nagbabawal sa pag-angkat, pagbebenta at pagbili nito bunsod na rin sa panganib sa kalusugang dala ng mga nasabing lumang kasuotan.

Sa isang pahayag, lumalabas na nakatanggap ng impormasyon ang BOC kaugnay ng isang shipment na lumapag sa Port of Cebu. Bunsod nito, agad na kumilos ang mga tauhang nakatalaga sa nasabing daungan.

Sa hiling ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), nagpalabas ng isang Pre-Lodgement Control Order (PLCO) si POC District Collector Charlito Martin Mendoza laban sa nasabing kargamento.

Agad namang nagsagawa ng 100% physical examination ang nakatalagang Customs Examiner kasama ang mga kinatawan mula sa CIIS, Enforcement and Security Service, Philippine Coast Guard, Philippine Drug Enforcement Agency, at Chamber of Customs Brokers, Inc.-Cebu Chapter, kung saan tumambad ang balye-balyenang ukay-ukay na nagkakahalaga ng tuma­tagin­ting na P2 milyon.

Bunsod nito, inisyuhan ni Mendoza ng isang Warrant of Seizure and Detention laban sa nasabing shipment na aniya’y lumabag sa Republic Act 4653 (Customs Modernization and Tariff Act) Buwan ng Hulyo nang kumpiskahin ng Port of Cebu ang P4.5 milyong halaga ng shipment na naglalaman ng mga ukay-ukay mula naman sa bansang Thailand.

Nakatakda namang isa­ilalim sa forfeiture and disposal proceedings ang mga nasabing kargamento batay na rin sa umiiral na customs rules and regulations.
(JO CALIM)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment