Sinimulan na ng Bureau of Customs (BOC) ang pilot-testing nito sa World Customs Organization’s (WCO) Cargo Targeting System (CTS) upang lalo pang palakasin ang ‘trade efficiency’ gayundin ang paghihigpit ng ‘border security’.
Alinsunod sa Customs Modernization and Tariff Act, oobligahin ng BOC ang shipping lines and airlines na magsumite ng manipesto sa pamamagitan ng CTS bilang pagsunod sa advance profiling ng shipments bago pa man dumating sa Philippine ports.
Ang cargo information mula sa foreign carriers (sea vessels and aircrafts) o kanilang authorized agents ay gagamitin din para sa risk assessment, anti-terrorism, law enforcement at iba pang kahalintulad na layunin.
Sa pamamagitan ng CTS ay matutukoy ng ahensiya ang high-risk shipments at mapadali ang kalakalan.
Matapos ang matagumpay na demonstrasyon at pilot testing noong Oktubre 2, handa na ang BOC na maglunsad at gumamit ng WCO Cargo Targeting System, na magpapalakas at magpapahusay sa kanilang kapabilidad sa profiling at sa pagtukoy sa target high-risk cargoes.
Sisimulan ang full implementation ng CTS sa ikatlong linggo ng kasalukuyang buwan. (Joel O. Amongo)
116