Yosi, oto at ukay inembargo SMUGGLERS KINASUHAN

0

KASONG kriminal ang inihain ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang kumpanya, importers at customs brokers na nagtangkang magpuslit ng P89-milyong halaga ng mga kontrabandong naglalaman ng mga sigarilyo, sasakyan, ukay-ukay at iba pang kalakal sa Port of Subic at sa Ninoy Aquino International Airport kamakailan.

Kasong paglabag sa Customs Modernization Act ang isinampa laban sa Shemala International Commercial Equipment Whole­saling at sa kanilang customs broker sa maling deklarasyon ng P69.74-milyong halaga ng sigarilyong nasabat sa Port of Subic nito lamang nakaraang Agosto.

Kabilang din sa kasong isinampa ang mga kasong paglabag ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, National Tobacco Administration (NTA) Board Resolution 079-2005, National Tobacco Memorandum Circular No. 03, s. 2004, Intellectual Property Code of the Philippines, at Revised Penal Code.

Patong-patong din ang demandang kinakaharap ng JLFDM Consumer Goods Trading para sa pag-angkat ng mga luxury cars — isang Ferrari Scuderia, tatlong Mercedes Benz, isang Porsche Boxster at dalawang Toyota MRS. Bukod sa mamahaling sasakyan, tinangka rin umanong ipuslit ang 79 balyenang naglalaman ng mga pinaglumaang damit at iba pang kalakal.

Sa pagtataya ng BOC, aabot sa P19.5 milyong halaga ang tinangka nitong ipuslit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nito lamang buwan ng Mayo.

Kabilang sa mga asuntong isinampa ng kawanihan laban sa nasabing kumpanya ang mga paglabag sa CMTA kaugnay ng EO 877-A (Comprehensive Motor Vehicle Development Program), at RA 4653 (An Act to Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation by Declaring it a National Policy to Prohibit the Commercial Importation of Textile Articles commonly known as Used Clothing and Rags) na mahigpit na nagbabawal sa pag-angkat ng ukay-ukay.

Mula buwan ng Enero, naka­pagsampa na ng 69 kasong kriminal ang naihain laban sa 220 indibidwal at customs brokers na umano’y sangkot sa iregularidad at iligal na aktibidades.

Hindi rin pinalusot ng BOC ang 48 licensed customs brokers na nahaharap sa kasong administratibo sa Professional Regulation Commission (PRC). (joel amongo)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment