CONCEPCION: AZTRAZENECA PARA SA LAHAT NG AGE GROUPS, HIGIT NA MAPALALAKAS ANG VACCINE EFFORT AT ECONOMIC REBOUND

Ang pag-anunsyo ng Department of Health (DOH) ng opisyal na pagpapatuloy ng Oxford AstraZeneca vaccine para sa lahat ng age groups ay higit na mapalalakas ang adhikaing mapabakunahan na ang mga economic frontliners. Ito ay ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion. “It’s certainly a huge step forward, especially when it comes to combating vaccine hesitancy,” saad niya.

Ang anunsyong ito ng DOH ay lumabas kasunod ng rekomendasyon ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) at ng DOH All Experts Group on Vaccines. Napagkasunduan ng DOH na walang kasalukuyang nagpaaalamang risk factor kaugnay sa Vaccine-Induced Thrombosis at Thrombocytopenia (VITT), isang rare condition ng blood clot na may mababang platelet counts. Sa kasalukuyan, walang local confirmed VITT events.

“This is a big boost,” ani Concepcion, “especially following the endorsement of the DOLE,” dagdag pa niya. Naglabas din ang Department of Labor and Employment (DOLE) kamakailan ng isang advisory kung saan ini-engganyo ang pagbabakuna ng mga empleyado sa pribandong sektor, isang kilos na ayon kay Concepcion ay makatutulong ng malaki kasabay ng panawagan ng business sector na buksan nang muli ang ekonomiya upang mabawi na ang mga nalugi sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ang desisyong ito ay nakikitang makaaapekto ng malaki sa layunin ng nabuong public-private partnership, ang A Dose of Hope, na sinigurado ang 17 milyong doses ng AstraZeneca vaccines. Sa ilalim ng A Dose of Hope na pinangungunahan ng Go Negosyo ni Concepcion, ang pribadong sektor, ang mga vaccine manufacturer, at ang gobyerno ay nagkasundong bumili ng bakuna at gawin itong accessible para sa mga employees sa pribadong sektor at sa mga economic frontliners.

Dagdag pa ni Concepcion, ang desisyong ito ay napapanahon dahil nalalapit na ang pagdating ng dalawang milyong doses ng AstraZenca vaccine sa bansa ngayong buwan. “The DOH concluded after discussions with experts that the benefits of receiving the vaccine outweigh the risks, and we wholeheartedly agree,” saad niya. “We need to vaccinate as many Filipinos as we can so we can achieve herd immunity and give people back their jobs.”

“Economic frontliners come in all age groups, and we need everyone safe and vaccinated for us to return back to normal,” ani Concepcion. Pinangungunahan ng Go Negosyo ang implementasyon ng mga vaccine effort mula sa pribadong sektor, maging na rin ang paghahanda sa malawakang paglunsad nito—bilang inaasahang darating na ang mga bakuna sa unang linggo ng Hunyo. Dagdag pa, ang Let’s Go Bakuna information at education campaign nito ay buo ng nailunsad upang labanan ang vaccine hesistancy na hinaharap ng bansa.

Kasama din sa mga effort ng Go Negosyo ang kasunduan kasama and Zuellig bilang kanilang opisyal na storage at distribution partner sa ibat-ibang panig ng bansa. Ang pribadong sektor ang siyang magbabayad ng administration fee, kabilang ang mga mapapasama sa mga donasyon nito sa government frontliners.

517

Related posts

Leave a Comment