KALIWA DAM KABILANG SA PRIORITY PROJECTS NG GOBYERNO

PRAYORIDAD ng pamahalaan na kumpletuhin o tapusin na ang Kaliwa Dam para sa water security.

Sinabi ni Presidential Adviser on Flagship Programs and Projects Vince Dizon na mayroong 12 infrastructure flagship projects kabilang ang Kaliwa Dam, ang kina-klasipika bilang flagship programs for water security.

“Kasama dito ang Kaliwa Dam dahil napakaimportante ng Kaliwa Dam sa long term water sustainability dito sa Metro Manila,” ayon kay Dizon.

“Ito ay—alam ninyo iyong Kaliwa Dam, pinaplano ito panahon pa ni President Marcos, 1967 po to be exact ang unang study to build Kaliwa Dam sa bundok ng Sierra Madre,” dagdag na pahayag ni Dizon.

Aniya pa, sa maraming taon at ilang dekada ay kumbinsido si Dizon na panahon na para gawin o aksyunan ang Kaliwa Dam.

Samantala, sinabi ni Dizon na hindi lang ang Kaliwa Dam ang kanilang aaksyunan dahil mayroon pa aniyang 11 na iba’t ibang proyekto sa buong Pilipinas na kasama dito.

“Nagpapasalamat tayo sa Office of the President dahil naglabas ang Presidente ng AO32 para mabigyan ng prayoridad ang mga water projects natin sa buong bansa. Dahil kritikal ito, kailangan paghandaan natin nang mabuti ang mga parating na tag-init at ngayon na ang time para talaga lalo nating pabilisan pa ang ating mga water projects lalo na sa Metro Manila,” ani Dizon.

Noong nakaraang linggo ay nagpalabas si Pangulong Duterte ng administrative order na inaatasan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na iprayoridad ang pagrerebisa at pag-apruba sa infrastructure projects na may kaugnayan sa water supply. (CHRISTIAN DALE)

170

Related posts

Leave a Comment