Kaso ng COVID-19 tuloy sa paglobo ILANG LUGAR IBABALIK SA ECQ

ISASAILALIM sa mas mahigpit na quarantine protocol ang ilang lugar sa bansa pagkatapos ng Hulyo 15.

Ito ang inanunsiyo ni National Task Force on COVID 19 Chief implementer Carlito Galvez sa gitna ng aniya’y tumataas na kaso ng severe at critical COVID cases.

Bukod dito, sinabi ni Galvez na may mga pagamutan sa National Capital Region ang napupuno na rin.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni DOH Undersecretary Bong Vega na naka-monitor sila sa mga pagamutan sa Metro Manila gayundin sa Cebu at ito’y sa gitna aniya ng pagdami ng severe at moderate patients na nagpapa-admit.

Para naman kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi maaaring magluwag sa Metro Manila.

Aniya, iaanunsiyo sa Miyerkoles, Hulyo 15 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga lugar na dapat magpatupad ng mas mahigpit at iyong mga luluwagan ang quarantine protocol. (CHRISTIAN DALE)

247

Related posts

Leave a Comment