KRIMEN BUMABA NG 47% SA PANAHON NG LOCKDOWN

INANUNSYO ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na bumaba ng 47% ang crime volume sa bansa sa loob ng unang anim na buwan habang nasa ilalim ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Pinagbasehan ni Año ang data mula sa Philippine National Police (PNP).

Sa nasabing data, 16,879 ang napaulat na insidente ng krimen mula Marso 17 hanggang sa kasalukuyan.

“This is almost half of the crime incidents logged six months before the lockdown, or from September 2019 to the earlier half of March 2020, where 31,661 incidents were reported.

From 172 cases a day to 92 cases per day,” ayon kay Año sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.

Aniya pa, bumaba rin ng 61% ang insidente ng nakawan habang ang nakawan naman ng sasakyan ay bumaba ng 66% at 61% ang ibinaba ng nakawan ng motorsiklo.

Bumaba rin aniya ang kaso ng pagpatay ng 22%, habang bumaba naman ng 24% ang kaso ng panggagahasa.

Sinabi pa ng Kalihim na ang pagbaba ng insidente ng krimen ay dahil na rin sa police visibility at maayos na koordinasyon sa local government units. (CHRISTIAN DALE)

150

Related posts

Leave a Comment