13 SHORT FILMS FINALISTS HANDA NA SA CINEMALAYA 2021

0

Inaanunsyo ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ang 13 finalists na maglalaban-laban para sa Short Film Category.

Ang finalists ay ang: Kids On Fire ni Kyle Nieva; Maski Papano ni Che Tagyamon at Glenn Barit; Beauty Queen ni Myra Aquino; An Sadit na Planeta ni Arjanmar H. Rebeta; Crossing ni Marc Misa; Kawatan Sa Salog ni Ralph John Velasco; Looking For Rafflesias and Other Fleeting Things ni James Fajardo; Out of Body ni Enrico Po; The Dust in Your Place ni David Olson; Ang Mga Nawalang Pag-asa at Panlasa ni Kevin Jay Ayson; Ang Pagdadalaga ni Lola Mayumi ni Shiri Francesca D. De Leon; Ate OG ni Kevin Mayuga; at Namnama en Lolang (Grandmother’s Hope) ni Jonnie Lyn Dasalla.

Dahil sa patuloy ang sitwasyong dala ng COVID-19, ang pinakamalaking independent film festival sa bansa ay magsasagawa muli ng kanilang ikalawang online edition sa taong ito. Sa kanilang ika-17 taon, ang Cinemalaya ay tututok sa Short Films in Competition, Gawad CCP Para sa Alternatibong Pelikula at Video, exhibitions sa Visions of Asia, Documentary at Premiere section.

Kasama sa festival components, binago ng Cinemalaya ang mga hakbangin sa edukasyon sa pamamagitan ng mga masterclass na inalok ng Cinemalaya Institute.

Dagdag pa nito, simula ngayong taon, isang salient breakthrough para sa paparating na Cinemalaya finalists ay ang Film Lab, na magbibigay sa kanila ng pagkakataong matuto mula sa mga propesyonal at dalubhasa sa industriya ng iba’t ibang aspeto ng paglikha ng pelikula – mula sa scriptwriting, pagdidirehe, cinematography, pagganap, pag-edit, disenyo ng produksyon, tunog, musika, pamamahala ng produksyon hanggang sa mga diskarte sa promosyon.

Co-produced ng Cultural Center of the Philippines at ng Cinemalaya Foundation, ang Cinemalaya 2021 ay magkakaroon ng isang month-long run mula Agosto 6, 2021.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment