CCP, IPINAGDIRIWANG ANG FILIPINO COMPETITIVE SPIRIT SA TEAM PILIPINAS DOCU SCREENING

Ang winning spirit at sportsmanship ng mga Pilipino ang nagdala sa ikalawang installment ng WAGI! Celebration of Filipino Excellence, isang series ng film screenings upang maging daan sa muling pagbubukas ng Cultural Center of the Philippines at ipagdiwang ang kahusayan ng mga Pinoy.

Isang espesyal na programa at isang moderated discussion kay Hidilyn Diaz (Olympic Gold Medalist in weightlifting) at boxers na sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam (Olympic Silver medalists), at Eumir Marcial (Olympic Bronze medalist), na isasagawa sa Nobyembre 26 sa ganap na ala-7:00 ng gabi sa Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater). Ang talakayan ay moderated ng international sportscasting veteran na si Mr. Noel Zarate. Susundan ito ng isang screening ng “Team Pilipinas: The Atom Araullo Specials,” isang documentary ng broadcast journalist na si Atom Araullo ng GMA Network.

Ibinabahagi ng 58-minute film ang paglalakbay ng Filipino athletes tungo sa tagumpay ng palakasan, tampok ang Philippines’ best Olympic performance simula 1924 hanggang 2020 Tokyo Olympics.  Kinikilala nito sina weightlifter Hidilyn Diaz na kauna-unahang Pinoy na nag-uwi ng Olympic gold medal, boxer Nesthy Petecio unang Pinay na nagwagi sa ng Olympic silver medal, boxer Carlo Paalam na nagkamit ng silver sa men’s flyweight division, at boxer na si Eumir Marcial na nanalo ng bronze medal in the men’s middleweight division.

Available na ang tickets Ticket2Me. May chance ring makuha ang libreng ticket sa bit.ly/WagiTeamPilipinas.

Para sa katiyakang magkaroon ng safe theater experience, basahin ang CCP’s new normal health protocol sa http://bit.ly/CCPNewNormalProtocol.

218

Related posts

Leave a Comment