CCP NATIONAL RONDALLA WORKSHOP 2021

0

Ang Artist Training Division ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ay magsasagawa ng kanilang ikaanim na NATIONAL RONDALLA WORKSHOP 2021 na gaganapin sa Hulyo 27-31, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:30 ng gabi.

Nagsimula noong 2014, ang National Rondalla Workshop sa taong ito ay gaganapin online sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng Zoom. Layon nito na mailabas pa ang husay at galing ng mga kabataan sa rondalla, lalo na sa pamamagitan ng online set-up. Ang workshop na ito ay bukas sa mga grupo ng rondalla sa buong bansa na tumutugtog na at hindi mga non-beginner. Ang mga Rondalla Ensembles na may mga rondalla instrument kabilang ang banduria, octavina/laud, guitas, at bass ay maaaring lumahok sa workshop.

Ang workshop trainers ay pangungunahan ni Prof. Elaine Juliet Espejo ng Celso Espejo Rondalla at ng UP Rondalla, kasama ang faculty member ng UP College of Music. Ang workshop modules ay kinabibilangan ng sectional rehearsals per rondalla instrument, note reading sessions, at individual rondalla ensemble cliniquing sessions. Ang workshop ay magtatapos sa online recorded performance ay ito ay makikita sa CCP Facebook Page sa Agosto 21, 2021.

Ang workshop fee ay P2,000.00 kada participant slot (may online materials ay newly arranged rondalla pieces). Dahil sa limited slots lamang ang available, ang makasasali ay maximum 16 participant slots (15 students at 1 conductor) kada grupo.

Sa mga interesado, magsumite lamang ng mga sumusunod:

1. Duly accomplished application form.

Downloadable mula sa http://bit.ly/CCPRondalla2021App

2. Isang audio/ video recording ng pinakabagong performance (at least two 2 pieces by the group).

Ang applications ay dapat ipasa via email at artist.training@culturalcenter.gov.ph bago o sa Hunyo 15, 2021.

Ang pagsali sa workshop ay ibabase sa merit ng kanilang aplikasyon.

Sa abiso ng pagtanggap, kada rondalla group ay magbabayad ng reservation fee na P5,000.00 na ibabawas naman mula sa full amount ng registration fee. Ang full amount ay dapat maibigay bago o mismong sa Hulyo 16, 2021.

Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan sa CCP Artist Training Division by email sa artist.training@culturalcenter.gov.ph (hanapin si Ms. Kass Almarez).

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment