Sa panahon na mahirap magdiwang dahil sa tinatamasang pandemya, hindi naging hadlang ito sa workforce ng Cultural Center of the Philippines upang ipagpatuloy ang taunang Christmas program at ihatid ito sa cancer patients ng Philippine General Hospital (PGH) Cancer Institute kamakailan.
Kada taon, ang Cancer Institute, na pinamumunuan ni Director, Dr. Jorge Ignacio, ay naglalagay ng Christmas tree sa Cancer Institute lobby kung saan isinasabit ng cancer patients ang kanilang Christmas wishes. Ang publiko ay maaaring boluntaryong makapili ng isa o higit pang wishes upang ito ay ibigay. Ang proyektong ito ay nagpapatuloy sa loob ng maraming tao at noong nakaraang taon, ang mga wish nila sa kanilang puno ay 100 porsyentong natupad sa unang pagkakataon dahil sa kanilang mabubuting donors at supporters.
Kasabay ng ika-52 taon ng Sentro ngayong 2021, ipinagkaloob ng CCP workforce ang mga kahilingan ng 52 na mga pasyente ng cancer sa pamamagitan ng magkasanib na pagsisikap ng mga opisyal at empleyado ng lahat ng mga departamento at dibisyon. Ang mga regalo ay personal na tinanggap ni Dr. Jorge Ignacio. Ang pagbabahaging ito sa Pasko ay isa lamang sa maraming mga hakbangin na patuloy na ginagawa ng CCP para sa mga hindi gaanong pribilehiyo at marginalized na sektor ng bansa sa pamamagitan ng Arts for Transformation and Outreach Programs nito at ang COVID-19 Response Programs nito. Ang PGH ay regular na benepisyaryo ng mga outreach program ng CCP tulad ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) mini concert na ginanap noong Disyembre 2020 sa PGH para sa mga pasyente at frontliners.
Nasa larawan si Dr. Jorge Ignacio (ikatlo mula sa kanan) ng PGH Cancer Institute kasama ang CCP officials na sina Tess Rances, Chinggay Bernardo at staff. Makikita rin ang iba’t ibang Christmas gifts para sa 52 cancer patients. (Kuha ni Kiko Cabuena)
213