CINEMALAYA INSTITUTE NAGPAPATULOY SA KANILANG COMMITMENT NA SANAYIN ANG MGA BAGONG FILMMAKER

0

Matapos ang isang taong pahinga dahil sa pandemya, ang Cinemalaya Institute ay nagbabalik ngayong taon upang ipagpatuloy ang commitment nito na makapagturo, mag-ensayo at tumanggap ng mga pelikulang mula sa mga practitioner sa mga pangunahing aspeto ng paggawa ng pelikula.

Itinatag noong 2015, sinanay ng Institute na ito ang mga magiging Filipino filmmaker upang masiguro ang paglago at pagpapanatili ng Cinemalaya bilang nangungunang independent film festival sa Asia.

Sa training arm ng Cinemalaya Foundation, Inc. (CFI), plano ng Institute na magbukas ng selected courses na sumusunod sa protocols na ipinapataw ng pamahalaan.

Ang ino-offer na training programs virtually ay kinabibilangan ng: SCRIPTWRITING WORKSHOP FOR FILM ng veteran playwright na si Ricky Lee; MASTER WORKSHOP ON CONTINUING NARRATIVES FOR BROADCAST AND WEB-BASED PLATFORMS ng award-winning TV at film director na si Jose Javier Reyes; at PRODUCTION MANAGEMENT ni John Paul Su; at ang ASSISTANT DIRECTOR’S WORKSHOP FOR FILM AND TELEVISION ni Jay Abello.

Nakatakda mula Hunyo 9 hanggang Agosto 4, ang scriptwriting workshop ay nag-eengganyo at nagsasaliksik ng mga bagong paraan ng pagkukuwento sa panahon ng pandemya; habang ang master workshop na patuloy sa mga salaysay, ay magaganap sa Agosto 14 hanggang Oktubre 29, 2021, ay nagpapakilala at nagsasanay sa mga manunulat sa konseptwalisasyon at rendisyon ng patuloy na serye na nakasunod sa Korean template.

Mula Hulyo 15 hanggang Agosyo 13, 2021, ang production management workshop, samantala, ay magtuturo ng pangunahing kasanayan na kinakailangan upang pamahalaan ang isang film production at masuri ang professional practices upang makatulong sa filmmakers na ma-develop ang kanilang production book.

Bukas sa Setyembre 1 hanggang 29, 2021, ang Assistant Director’s Workshop ay para sa production people na nagnanais maging professional AD. Sa halip na pagsasanay sa maraming taon, ang kursong ito ay magdadala sa kanila sa mataas na marka at magbibigay sa kanila ng kinakailangang kaalaman sa pagiging AD, na siyang pinaka importanteng tungkulin at posisyon sa isang film o TV production.

Ang mga interesado ay maaaring magsumite ng kanilang aplikasyon sa cinemalayainstitute@gmail.com.

I-download ang application form/s mula sa mga sumusunod na link:

http://bit.ly/CinemalayaProdManagement

http://bit.ly/CinemalayaAssistantDirector

http://bit.ly/CinemalayaContinuingNarratives

Ang deadlines na pagpasa ng aplikasyon ay para sa: Assistant Director program, Agosto 20, 2021; Program Management, Hulyo 2, 2021; at para sa Master Workshop on Continuing Narratives, Hulyo 23, 2021.

Ang naturang Institute ay nakapag-prodyus ng filmmakers na nag-prodyus, nagsulat, nagdirehe ng mga pelikula para sa Cinemalaya at gumawa ng kanilang pangalan sa industriya.

Para sa iba pang impormason, magsadya sa Cinemalaya website o sundan ang official Facebook accounts ng Cinemalaya, Cinemalaya Institute at CCP.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment