DATING CCP TRUSTEE NA SI NESTOR TORRE, PUMANAW NA

0

Ang manunulat, direktor, aktor at dating Cultural Center of the Philippines Board Trustee na si Nestor U. Torre ay pumanaw noong Abril 6, sa edad na 78.

Isang dating Saturday Special editor at Entertainment columnist ng Philippine Daily Inquirer, si Torre ay mayroon ding column sa naturang pahayagan na pinamagatang “Viewfinder,” nakatuon sa in-depth entertainment news, interviews at commentaries, at mayroon din itong classroom teaching, nagsasagawa ng workshops, at writing, directing at producing for stage, film at television. Nagpatuloy siya sa pagsusulat sa kanyang arawang column hanggang sa ma-stroke siya noong Pebrero 2018.

Ang karera ni Torre ay kinilala sa Philippine showbiz noong 1960s nang hilinging siyang maging director ng “Two for the Road” ng ABS-CBN, isang talk show kasama si Elvira Manahan, Joey Lardizabal at Eddie Mercado. Napadpad din siya sa mga pelikula noong dekada 70 bilang manunulat para sa “King Khayam and I” at director para sa mga “Crush ko si Sir” at “Ang Isinilang Ko Ba’y Kasalanan”.

Nasa lead roles din si Torre sa mga unang dula ng Repertory Philippines at sa Teatro Pilipino productions ni Rolando Tinio. Nagwagi siya ng apat na Palanca Awards para sa kanyang scripts, at kalaunan ay naging host talk “Two for the Road,” kasama si Elvira Manahan.

Gayundin, ang talent at dedikasyon ni Torre bilang writer at director ay naging tulong sa mundo ng teatro, dahil sa religious musicals tulad ng “Magnificat,” “Birhen ng Caysasay,” buhay ni Pope John Paul II at ang bio series ni Padre Pio. Ang kanyang directorial work ay kinabibilangan ng “Magsimula Ka”, “Katy the Musical”, “Cory the Musical”, at ang pinakabagong Chinoy Series. Ang premiere productions ng Magsimula Ka” at “Katy” naging simula ng karera ng maraming musical artists.

Noong 2018, ang Cultural Center of the Philippines ay nag-host ng isang concert tribute na “Loving the N.U.T.” na inorganisa ng actors, creatives at production staff na kasama sa mga naging productions ni Torre.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment