INTERNATIONAL WOMEN’S DAY, PAANO NAGSIMULA?

Ni Ann Esternon

Sa Marso 8 ay gaganapin ang International Women’s Day. Anong nalalaman ninyo rito?

Ang Women’s Month o Buwang ng mga Kababaihan ay isang paggunita sa mga kontribusyon ng mga kababaihan sa pag-angat ng lipunan.

Unang kinilala ang okasyon bilang International Women’s Day noong Marso 19, 1911 na ipinagdiwang ng mga kalalakihan at kababaihan.

Simulan ang pagkilala sa mga kababaihan sa Amerika mula sa mga hanay ng garment workers na ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan.

Nabago ang petsa ng pagdiriwang nang magkaroon ng malagim na insidente kung saan noong gabi ng Marso 25, 1911 ay 146 kababaihan (karamihan ay European immigrants) ang namatay sa sunog sa Triangle Shirtwaist factory sa New York City.

Dito nasilip ang unfair labor practices sa kanilang hanay at hindi makataong kondisyon sa kanilang mga trabaho. Ang laban ay nauwi sa mga rally sa lansangan.

Noong 1913 muli pang kinilala ang Women’s Day taon-taon at ito ay tuwing ika-8 ng Marso. Pormal naman itong naging taunang selebrasyon noong 1975 sa paghihikayat na rin ng United Nation.

Ito ay kasunod nang rekomendasyon ng Socialist Women’s International Conference ng Europa na makikilala ang husay ng mga kababaihan gayundin na makita ang mga hindi patas na trato sa kanila.

Samantala, noong 1995 ay nilagdaan ng 189 governments ang isang historic roadmap na Beijing Declaration and Platform for Action na nakapokus sa 12 critical areas of concerns na

kinabibilangan ng (1) women and poverty; (2) education and training of women; (3) women and health; (4) violence against women; (5) women and armed conflict; (6) women and the economy; (7) women in power and decision-making; (8) institutional mechanisms; (9) human rights of women; (10) women and media; (11) women and the environment; at (12) the girl child.

Sa taong ito, ang tema ng selebrasyon ng International Women’s Day ay #ChooseToChallenge.

295

Related posts

Leave a Comment