KANTO KULTURA NG CCP, INANUNSYO ANG MGA UNANG NAGWAGI PARA SA KANTO CANTA

0

Ang mga grupo mula sa Tuguegarao City, La Union, Las Piñas City, Lanao Del Norte, at Taguig City ay mga top winner na inanunsyo sa kauna-unahang online band competition na Kanto Canta at ito ay via live-streaming sa official Facebook pages ng Cultural Center of the Philippines at Kanto Kultura noong Hunyo 30. Ang Letrang Norte mula sa Tuguegarao City ng Cagayan na siyang kumanta at nag-compose ng “Tahanan” ang naging grand winner habang ang Abel ng La Union na kumanta at nag-compose ng “Reseta” at The Bratcave ng Las Piñas City na kumanta at nag-compose ng “Pag-ibig ang Tulay” ang sumungkit ng ikalawa at ikatlong pwesto. Ang fourth placer ay mula sa Lanao Del Norte na bandang IMCC Kapagintaw Entho-Rock Band sa kanilang song composition na “Anihan Na”, at Far East Bronxx ng Taguig City sa kanilang song composition na “Bakit Sa’yo Pa Rin” para sa ikalimang pwesto.

Ang panel Judges ay kinabibilangan ng mga kilalang artists mula sa music industry. Kabilang dito ang Filipino folk singer at composer, at isang recent SUDI Awardee ng NCCA na si Noel Cabangon; The King of Philippine Acoustic Pop, Nyoy Volante; Founding member ng pop-R&B band Southborder, Jay Durias; at Kanto Canta project leaders and members ng CCP Board of Trustees, Michelle Nikki Junia at Stanley Seludo.

Ang 6th Placer hanggang 15th Placer ay tatanggap ng P5,000 bawat isa. Ang 5th at 4th Placer ay tatanggap ng P10,000 bawat isa. Ang 3rd Placer ay mag-uuwi ng P20,000 at Kanto Kultura Trophy habang ang 2nd placer ay P30,000 at isang Kanto Kultura Trophy. Ang Kanto Canta grand winner ay magkakamit ng P50,000, Kanto Kultura Trophy, at exclusive management and recording contract mula sa Widescope Entertainment.

Ang Kanto Kultura trophy ay nilikha ni Dan Raralio, isang prominent sculptor at recipient ng CCP Thirteen Artists Awards.

Ang Cultural Center of the Philippines katuwang ang PAGCOR ay naglunsad ng isang project series na tinawag na Kanto Kultura, isang selebrasyon ng kultura at sining na tumatampok sa Filipino artists noong Pebrero 15, 2021. Ang naturang proyekto ay isang brainchild ng CCP Board of Trustees na si Nikki Junia, Stanley Seludo, at Dr. Jaime Laya at sa mga suporta ng CCP Board of Trustees Chairperson na sina Margarita Moran-Floirendo at CCP President Arsenio J. Lizaso.

Layon ng Kanto Kultura na hikayatin ang Filipino talents na lumikha ng artistic content na magpapakita ng innovation at creativity. Sa Kanto Canta bilang unang online band competition ay naglalayon na hikayatin ang artists na isama ang ating indigenous o katutubong instrument sa kanilang compositions, sa pag-asang madiskubre ang isang makabangong tunog na tutulong na makilala ng global audience na kalinya ng K-pop. Ang proyektong ito ay naglalayon ding magbigay-daan para sa naiibang porma ng ekspresyon ng sining tulad ng musika, broadcast and film, literature, theater, dance, at visual arts.

Ang live-streamed program ay mapapanood sa Facebook, facebook.com/kantokultura. Para sa detalye, tumawag sa CCP Marketing Department sa (02) 8832-1125 local 1409/1800 o mag-email sa (ccpkantokultura@gmail.com).

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment