LUCENA City – Patay ang isang lalaki nang makulong sa nasusunog niyang bahay sa lungsod na ito, noong Sabado ng gabi Kinilala ang biktimang si Rodelio Camacho Mendoza, 40-anyos, residente ng Torres Subdivision, Barangay Ilayang Iyam, Lucena City.
Batay sa report ng Lucena City police, pasado alas-6:00 ng gabi, nakita na lamang ng mga residente ang makapal na usok mula sa bahay ng biktima.
Sinundan ito nang biglang paglaki ng apoy na mabilis na tumupok sa bahay.
Nakita pa ng mga residente ang biktima na humihingi ng tulong mula sa bintana na nababalutan ng bakal na grills.
Nang maapula ng mga bombero ang apoy, natagpuan ang sunog na bangkay ng biktima.
Tinatayang P1 milyong halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy.
Inaalam pa ng mga tauahan ng BFP ang posibleng pinagsimulan ng sunog. (NILOU DEL CARMEN)
170
