ARESTADO ang tatlo katao, kabilang ang isang babaeng senior citizen, sa buy-bust operation sa #171 Estrella St., Brgy. 14, Zone 1, Pasay City, alas-6:00 ng gabi noong Miyerkoles.
Ayon sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation ang Drug Enforcement Unit ng Pasay City Police Station, sa pangunguna ni P/Cpt. Cecilio Tomas Jr. sa nabanggit na lugar.
Makaraang magkaabutan ng droga at marked money ay dinakip ang suspek na si Albert Butiong alyas “Bilog” na target sa buy-bust operation, gayundin ang kasama nitong si Jonathan Ronquillo
alyas “Tantan,” kapwa residente ng #171 Estrella St., Brgy. 14, Zone 1, Pasay City, at ang 62-anyos na si Chona Esperancilla ng #154 F. Humilidad St., Brgy. 14, Zone 1, Pasay City.
Nakuha mula sa mga suspek ang 11 plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 7.27 gramo na tinatayang P49,436 ang hAlaga at P500 marked money.
Ang mga suspek na nakakulong na sa SDEU Custodial Facility ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002. (DAVE MEDINA)
146
