LUGI SA 1-MONTH TAX HOLIDAY BAWIIN SA KORUP CONTRACTORS, POLITIKO

IGINIIT ni Senador Erwin Tulfo na kunin sa mga tiwaling kontraktor, opisyal ng gobyerno at mga politiko ang mawawalang koleksyon ng gobyerno kung ipatutupad ang ipinapanukala niyang one month tax holiday.

Ito ay makaraaan ang pagtaya na nasa P30 hanggang P50 bilyon ang mawawala sa gobyerno kung magpapatupad ng isang buwang libre sa buwis ang mga taxpayer.

“Kunin sa 15 contractors, mga tiwaling politiko at mga opisyal, sosobra pa yan. Aabot pa ng trillion yan. Kapag ibinalik ang mga ninakaw ay kahit anim na buwang tax holiday ay pwede pero pinag-aaralan namin,” pahayag ni Tulfo.

Sinalag din niya ang impormasyon na posibleng mayayaman lamang ang makikinabang sa tax holiday.

“Alam nyo hindi naman nagnakaw ang mga mayayaman, tumulong pa yan. Kaya mas mabuti singilin ang P30-50 bilyon, kunin natin kina Zaldy Co at kina Discaya,” dagdag ng senador.

Nilinaw naman ng senador na ang kanyang panukalang tax holiday ay one time lamang upang makabawi lamang ang tao sa gobyerno.

(DANG SAMSON-GARCIA)

117

Related posts

Leave a Comment