10 PA PATAY SA COVID SA 3 CAMANAVA CITIES

0

NADAGDAGAN ng sampung namatay sa COVID-19 ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Navotas noong Abril 30, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod.

Ayon sa ulat, lima ang namatay sa Navotas City at 584 ang active cases matapos na 53 ang nagpositibo at 81 ang gumaling. Sumampa na sa 10,460 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa naturang bilang ay 9,546 na ang gumaling at 330 ang namatay.

Tatlo ang patay sa Caloocan City at 1,547 ang active cases. Pumalo na sa 26,331 ang confirmed cases sa lungsod, kung saan 234,039 na ang gumaling at 745 ang namatay.

Dalawa naman ang patay sa Malabon City at 401 na ang COVID death toll sa lungsod. Habang 60 ang nadagdag na kaso at 12,259 na ang positive cases sa lungsod, 589 dito ang active cases.

Umabot naman sa 77 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 11,269 ang recovered patients ng siyudad.

Habang isinusulat ito ay hindi pa naglalabas ng COVID-19 update ang Valenzuela City. (ALAIN AJERO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment