PINANGUNAHAN ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., commander ng MPD-Moriones Police Station 2, at pangulo ng LATERAL, ang isinagawang libreng tuli na tinatayang mahigit 100 kabataan ang nakatanggap ng serbisyo sa lobby ng Manila Police District Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila nitong Miyerkoles.
Kaagapay sina Police Captain Dennis Turla, ng Homicide Section; Police Major Edward Samonte ng SMaRT, at Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), sa nasabing libreng tule na may
temang “2nd Annual Community Medical Mission”.
Kabilang din sa nabiyayaan ng libreng tule ang mga anak ng mga miyembro ng MPD.
Mismong si Dr. Chua ang nagproseso at nagtuli sa mahigit 100 kabataan, na sinaksihan ni MPD Director Brigadier General Andre Perez Dizon.
Ayon kay Ibay, sinamantala nila na bakasyon sa eskuwela ang mga bata para sa layunin nilang makatulong.
Natapos ang libreng tuli pasado ala-1:00 na ng hapon. (RENE CRISOSTOMO)
168