12 PA TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA

0

MULING nakapagtala ng 12 namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 29, ayon sa city health offices ng nasabing mga lungsod.

Napag-alaman, anim ang namatay sa Valenzuela City at 1,034 ang active cases matapos na 234 ang gumaling at 182 naman ang nagpositibo.

Pumalo na sa 17,26 ang confirmed cases sa lungsod at sa nasabing bilang ay 15,816 na ang gumaling at 406 na ang namatay.

Tatlo ang binawian ng buhay sa Caloocan City at 1,484 ang active cases.

Sumampa na sa 26,050 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 23,824 na ang gumaling at 742 na ang namatay.

Dalawa naman ang namatay sa Navotas City at 615 ang active cases matapos na 50 ang nagpositibo at 57 ang gumaling.

Umakyat na sa 10,405 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at sa bilang na ito ay 9,465 na ang gumaling at 325 na ang namatay.

Samantala, 399 na ang COVID death toll sa Malabon City matapos na isang pasyente ang malagutan ng hininga.

Bukod dito, 63 ang nadagdag na confirmed cases at 12,199 na ang positive cases. Sa bilang na ito ay 608 ang active cases.

Habang 75 pasyente ang gumaling at sa kabuuan ay 11,192 ang recovered patients. (ALAIN AJERO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment