14M PINOY NANGANGANIB SA MANILA BAY RECLAMATION

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang US Embassy kaugnay sa reclamation project na ginagawa sa Manila Bay na kinasasangkutan ng kompanyang China Communications Construction Co., dahil sa posibleng masamang epekto nito sa katagalan.

Bukod sa posibleng isyung panseguridad, duda ang Amerika sa posibleng epekto nito sa darating na mga panahon kabilang na ang mga isyu na may kinalaman sa kapaligiran (environment).

Ayon kay US Embassy Spokesperson Kanishka Gangopadhyay, palagian ang kanilang pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng Pilipinas bunsod ng posibleng negatibong epekto ng mga proyektong ito sa kapaligiran, sa resilience ng Manila Bay, at karatig na lugar gayundin sa negosyo.

Isa pa sa pangunahing punto ng US ay kasama ang naturang Chinese company sa US Department of Commerce Entity List, dahil sa papel nito sa pagtulong sa Chinese military na magtatag ng militarized artificial islands sa West Philippines Sea (WPS).

Bukod pa rito, ang naturang kumpanya ay tinutukoy ng World Bank at Asian Development Bank na sangkot sa fraudulent business practices.

Pinangangambahan ng United States government ang umanoy “potential negative long-term and irreversible impacts to the environment, the resilience to natural hazards of Manila and nearby areas, and to commerce.”

“We are also concerned that the projects have ties to the China Communications Construction Co., which has been added to the U.S. Department of Commerce’s Entity List for its role in helping the Chinese military construct and militarize artificial islands in the South China Sea. The company has also been cited by the World Bank and the Asian Development Bank for engaging in fraudulent business practices,” ayon sa inilabas na pahayag ni Gangopadhyay.

Tinangkang kuhanan ng pahayag ang Chinese Embassy hinggil sa isyu subalit wala pang inilabas na pahayag ang Chinese officials.

Maging ang Department of the Environment and Natural Resources (DENR) ay nagpahayag ng kanilang pangamba. Dapat umanong ikonsidera ang kinatatakutang “Big One” o 7.2 earthquake o higit pa at banta ng tsunami sa reclamation projects.

“On the geological hazards: So far ang nakikita ko pa ngayon in terms of the studies I have looked at for reclamation projects, is the reference on the 7.2 movement sa West Valley Fault,” ani Environment Secretary Toni Yulo Loyzaga.

Kailangan umanong tingnan ang pagtaas ng sea level at iba’t ibang geological events. “Trenches and faults are two earthquake generators that can generate tsunamis,” ayon naman sa Phivolcs, dahil ilalagay nito sa peligro ang buhay ng 14 milyong Pilipino .

Nabatid na may 22 reclamation project ang nakalatag ngayon sa manila Bay, ayon sa Philippine Reclamation Authority. (JESSE KABEL RUIZ)

298

Related posts

Leave a Comment