171M DOSES NG BAKUNA MAKAKAMIT NGAYONG TAON

INAASAHAN ng Pilipinas na makatatanggap ito ng kabuuang 171 milyong doses ng COVID-19 vaccine ngayong taon.

Ito ang inanunsyo ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa ipinatawag na special meeting ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Malakanyang kasama ang Inter-Agency Task Force (IATF), nitong Sabado.

Sa pag-uulat ni Dominguez kay Pangulong Duterte, ang nasabing bilang ng bakuna ay “more than enough” para bakunahan ang buong adult population sa bansa.

“So the total we are expecting to receive this year is 171 million doses. So that 171 million is more than enough to vaccinate the entire adult population of the Philippines,” ayon kay Dominguez.

“As of July 18,” ang Pilipinas ay nakapagbakuna ng 15 milyong doses.

May kabuuang 10,388,188 indibidwal ang nakatanggap ng one dose habang 4,708,073 naman ang fully vaccinated laban sa sakit.

Layon ng Pilipinas na makapagbakuna ng 70 milyong Filipino mula sa COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

52

Related posts

Leave a Comment