1,758 PULIS IPAKAKALAT SA QC SA LABOR DAY

0

PARA panatilihin ang peace and order sa paggunita ng Araw ng Paggawa ngayong araw, Mayo 1, aabot sa 1,758 police personnel ng Quezon City Police District (QCPD) ang ipakakalat sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Layunin ng QCPD na siguruhing ligtas ang mga lugar na may posibleng banta at kaguluhang civil gayundin upang mapanatili ang implementasyon ng health and safety protocols.

 “We will deploy additional police personnel to maintain peace and order in our city. We would also like to ask our residents to stay at home so we can avoid the spread of COVID-19,” ani QCPD Director B/Gen. Antonio Yarra.

Samantala, ang Task Force for Transport and Traffic Management ay nagtalaga ng 282 enforcers para sa traffic enforcement at upang umalalay sa pagmamantina ng social distancing at health protocols sa community pantries, cash assistance payout at vaccination sites.

 “May mga naka-deploy tayong enforcers para sa pagpapatupad ng social distancing at health protocols lalo na sa community pantries, ‘ayuda’ payout at sa vaccination sites. Of course, there will also be enforcers for traffic assistance,” ayon naman kay TFTTM chief Dexter Cardenas.

Kasabay nito, nanawagan si Mayor Joy Belmonte sa mga residente na iwasan ang paglabas dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin

pinapayagan ang mass gatherings dahil sa ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine.

“Nananawagan po ako sa ating mga residente na kung maaari manatili na lang po kayo sa inyong mga bahay kung wala namang mahalagang pupuntahan. Nasa ilalim pa rin tayo ng MECQ at ipinagbabawal pa rin ang mass gathering ayon sa IATF guidelines,” ani Mayor Belmonte.

Kaugnay nito, ang siyudad ay nagtalaga ng karagdagang mga tauhan mula sa law and order cluster, 100 personnel mula sa Department of Public Order and Safety, Market Development and Administration Department, Task Force Disiplina at Barangay Public Safety Officers mula sa iba’t ibang barangay. (JOEL O. AMONGO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment