2 AKYAT-BAHAY LAGLAG SA PARAK

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Nicolas D. Torre III, ang pagkakaaresto sa dalawang robbery suspects ng nagpapatrolyang mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS-4) noong Sabado sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ni P/Lt. Col. Von June Nuyda, commander ng PS-4, ang mga suspek na sina Marlon Molina Macalla, 21, at Aladin Barrios Gabayero, 22-anyos.

Lumabas sa report, dakong alas-4:20 ng hapon noong Oktubre 22, 2022, sa Sta. Monica Village, Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City, sinira ng mga suspek ang main door ng bahay ng biktimang si Rhoann Mecado Nuevo, 25-anyos.

Nang makapasok na ang mga suspek, kinulimbat ng mga ito ang ilang mga kagamitan

Ngunit nang papatakas na ang mga suspek ay napansin ang mga ito ni Monica Martizalo Ocate na sumigaw sa paghingi ng tulong.

Narinig naman ng nagpapatrolyang mga kagawad ng PS-4, ang paghingi ng tulong ni Martizalo kaya agad na nagresponde at nadakip ang mga suspek.

Nabawi mula sa mga suspek ang isang cellphone, dalawang relo at isang gold plated necklace.

Ang mga suspek ay kinasuhan ng robbery sa Quezon City Prosecutor’s Office. (JOEL O. AMONGO)

28

Related posts

Leave a Comment