2 ARESTADO SA P6.8-M SHABU SA PASAY

ARESTADO ang dalawang lalaki sa drugs buy-bust operation makaraang makumpiskahan ng isang kilong shabu na tinatayang P6.8 milyon ang halaga sa Pasay City noong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:55 gabi nang magsagawa ng magkasanib na operasyon ang PDEA RSET, PDEA ORMIN PO, PDEA Marinduque PO at at PDEA Romblon laban kina Jake Hernandez at Lorieben delos Santos, 18-anyos, sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na nakumpiskahan ng isang malaking plastic sachet ng isang kilo ng shabu, at buy-bust money.

Inihayag ng mga awtoridad na inamin umano ni Delos Santos na pang-apat na nilang lakad iyon. Habang sinabi naman ni Hernandez na magkakilala sila ngunit driver na tagahatid lamang ni Delos Santos ang papel niya.

Itinuro ni Delos Santos na ang kanyang tiyuhin ang nag-utos sa kanya upang mag-deliver ng shabu.

Patuloy ang follow-up operation ng mga operatiba para madakip ang source ng ilegal na droga habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawang suspek. (DAVE MEDINA)

34

Related posts

Leave a Comment