DALAWANG kandidato sa Sangguniang Kabataan election ang kinansela ng Commission on Elections Second Division ang ‘certificate of candidacy’ dahil sa material misrepresentation.
Ipinabatid ni Comelec Spokesperson Rex Laudiangco, ang COC ni Merson Calubag, SK chairman candidate sa Barangay Magtangale, San Francisco, Surigao del Norte, ay kinansela noong Miyerkoles, Oktubre11 matapos matuklasan ng Comelec Second Division na siya ay anak ng Sangguniang Barangay member sa parehong barangay.
Nag-ugat ang kanselasyon ng kandidatura ni Calubag sa petisyon na may petsang Setyembre 2, na nagsasaad ng material misrepresentation ng COC nito, na isang batayan para sa pagtanggi o pagkansela, alinsunod sa Section 78 ng Omnibus Election Code (OEC) at Section 591(a), Article XIX ng COMELEC Resolution No. 10924.
“Merson Calubag’s declarations in his COC that he is not related within the 2nd civil degree of consanguinity to an incumbent elected official in the locality where he seeks to be elected, and that he is eligible for the office to which he seeks to be elected, are material because they ‘pertain to his qualifications’ and these material declarations are false since ‘[his] mother .. is an incumbent Barangay Kagawad’ in the same locality,” ayon pa kay Laudiangco.
Binanggit din nito na ang Section 10 ng Republic Act 10742 ay nag-uutos na ang isang SK Official “ay hindi dapat nauugnay sa loob ng ikalawang civil degree ng consanguinity o affinity sa sinomang nanunungkulan na nahalal na opisyal ng bansa o sa sinomang nanunungkulan na nahalal na opisyal ng rehiyon, probinsya, lungsod, munisipalidad, o barangay, sa lokalidad kung saan siya naghahangad na mahalal.”
Samantala, kinansela ng parehong Comelec division ang COC ni Ivy Jane Parohinog Miranda na naghahangad ng posisyon bilang SK chairman sa Barangay Malag-it, Calinog, Iloilo.
Ayon pa kay Laudiangco, nadiskwalipika si Miranda dahil din sa material misrepresentation sa kanyang COC nang ideklara niyang wala siyang kamag-anak sa second civil degree ng consanguinity o affinity na kasalukuyang nanunungkulan na nahalal na opisyal sa lokalidad kung saan siya naghahangad na mahalal.
“‘The resignation letter of her father was not valid, for the reason that it was not filed before the proper authority or before the Municipal Mayor of Calinog, Iloilo who has the power to act on the said resignation. Consequently, [her] father, June Mirandal] is still deemed an incumbent elective local official of the same barangay when she filed her COC,” dugtong pa ni Laudiangco.
Ayon dito, naghain si Miranda ng COC noong Agosto 31,2023 habang ang resignation letter ng kanyang ama na incumbent Sangguniang Bayan member sa parehong barangay, ay inihain sa maling opisina o sa Department of the Interior and Local Government (DILG), at noong Setyembre 4, 2023, o apat na araw matapos siyang mag-file ng kanyang COC.
“Thus, the resignation of her father, June Miranda, failed to comply with Section 82(a)(4) of the Local Government Code of 1991, which provides that the resignation of a Barangay official is effective only upon acceptance by the Mayor or after 15 days from receipt if not acted upon,” sabi pa ng opisyal.
(RENE CRISOSTOMO)
327