2 LIDER NG SEX TRAFFICKING SYNDICATE, TIMBOG SA NBI

NADAKIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang lider ng sex trafficking syndicate na kumikilos sa National Capital Region (NCR) at karatig na mga lalawigan.

Sasampahan ng kaso ang mga suspek na sina Xiangce Kong at Ma. Angelica Belga Kong alinsunod sa nilabag nilang batas patungkol sa prostitusyon at human trafficking.

Sa isinagawang operasyon ng NBI, 20 Filipina ang nailigtas mula sa kuta ng sindikato sa mga lungsod ng Parañaque at Pasay.

Ayon sa NBI, ang mga babaeng nabawi sa mag-asawang Kong ay inilalako sa mga Chinese national na regular customers ng mga suspek.

Bukod sa NCR, ang operasyon ng sex trafficking syndicate ay umabot sa Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.

Umaasa ang NBI na tapos na ang ilegal na negosyo ng mag-asawa. (NELSON S. BADILLA)

43

Related posts

Leave a Comment