2 MIYEMBRO NG JOCSON ROB GANG, TIKLO

NADAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawa umanong miyembro ng Jocson robbery group makaraan ang inilatag na buy-bust operation sa Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Rodrigo Loveria, 21, ng #2637 Lico St., Tondo at 17-anyos na binatilyo.

Ang mga suspek ay nakumpiskahan ng hindi nabatid na dami ng marijuana at apat na sachet ng umano’y shabu.

Base sa ulat ni P/ Capt. Kherwin Evangelista, hepe ng Station Drug Enforcement Team ng MPD- Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-12:15 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon sa

panulukan ng Avenida St. at Bulacan St., sakop ng Tondo.

Ang dalawa umano ay kabilang sa Jocson robbery group na nambibiktima sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Manila. (RENE CRISOSTOMO)

51

Related posts

Leave a Comment