2 ‘NOTORYUS’ TAGUIG DRUG PUSHER TIMBOG

Dalawang pinaniniwalaang notoryus pagdating sa pagbebenta ng shabu sa Taguig City ang nahuli ng mga aworidad kagabi.

Ayon kay Senior Supt. Alexander Santos, hepe ng pulisya ng lungsod, sina Raymon Rojo at Joann Casitilio ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation dakong 6:30 p.m. sa Opao Street, Brgy. Upper Bicutan.

Tatlong sachet na 1.5 grams ng shabu ang laman ang nakumpiska kina Rojo at Casitilio, saad ni Santos.

Sasampahan ng kaso sa piskalya ang dalawa dahil sa paglabag sa Republic Act 9165.

5

Related posts

Leave a Comment