2 SENIOR HULI SA P20-K SHABU

ARESTADO ang dalawang senior citizen sa buy-bust operation sa Gatchalian St. Barangay San Dionisio, Parañaque City dakong alas-11:00 ng umaga noong Martes.

Hindi nakapalag ang mga suspek na sina Cornelio Guevara, 73-anyos, at Theresa Castro, 64, kapwa residente ng Bgy. Manuyo 2, Las Pinas City, nang dakmain ng mga operatiba ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) na pinamumunuan ni P/Maj. Anthony Alising, makaraang magkaabutan ng P200 marked money at droga.

Nakuha sa dalawang senior citizen ang apat na piraso ng maliit ng sachet ng shabu na tumitimbang ng 3 gramo at P 20,400 ang street value. (DAVE MEDINA)

77

Related posts

Leave a Comment