2 suspek sa high-powered firearms inarbor MILITARY GENERAL UMEPAL SA POLICE OPS

NABULGAR ang umano’y pag-arbor ng isang military general sa dalawang suspek na nahulihan ng matataas na kalibre ng mga baril sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega ng Criminal Investigation and Detection Group Cebu PFU sa Lone Star Farm, Brgy. Apo, Argao, Cebu noong Disyembre 16, 2023.

Kinilala ang mga suspek na sina Roderick Cortabitarte Satuito, (subject ng search warrant), nasa hustong edad, residente ng Brgy. Apo, Argao, Cebu, residente ng Vesta Grande, Brgy. Candulawan, Talisay, ng nasabing lalawigan, at Elmar Torres Lumanat, nasa hustong edad.

Ayon sa report, ang operating units ng DIDG RFU7, kasama ng 2nd-PMFC CPPO Argao MPS-CPPO at RMFB7, nagsagawa ng Oplan Paglalansag Omega sa pamamagitan ng implementasyon ng Search Warrant No. 2023, sa paglabag sa RA 10591, na inisyu ni Presiding Judge Noel Darren C. Damian, ng RTC Branch 26, Argao, Cebu laban kay Satuito noong Disyembre 16, 2023, dakong alas-9 ng umaga sa Lone Star Farm, Brgy. Apo, Argao, Cebu.

Kabilang sa mga nakumpiska mula kay Satuito ang mga sumusunod:

1. One (1) unit Kg9 rifle (INTRACTE C) with SN 379518, marked as SW-RCS-01;

2. One (1) steel magazine for KG9 rifle marked as SW-RCS-02;

3. Fifteen (15) PCs live ammunitions for KG9 rifle collectively marked as SW-RCS-03;

4. One (1) unit shotgun (PARDUS) 12 gauge with SN. P18-P10001 marked as SW-RCS-04;

5. One (1) unit shotgun (EAGLE PASS) 12 gauge with SN. MV055185, marked as SW-RCS-05;

6. Twenty five (25) PCs 12 gauge ammunitions for shotgun collectively marked as SW-RCS-06;

7. One (1) PC bullet bandolier for shotgun 12 gauge , marked as SW-RCA-07;

8. Four (4) PCs 12 gauge live ammunitions for shotgun collectively marked as SW-RCS-08;

9. One (1) unit M4/Baby armalite (Bushmaster) cal. 5.56MM with SN. ZD301028, marked as SW-RCS-09;

10. One (1) steel magazine for M4/Baby armalite cal. 5. 56MM marked as SW-RCS-10;

11. Ten (10) PCs live ammunition for cal. 5.56MM collectively marked as SW-RCS-11;

12. One (1) pc hand grenade marked as SW-RCS-12;

13. One (1) unit AR-15 assault rifle with markings SPIKES TACTICAL 5.56MM with SN. M10-04071983, marked as SW-RCS-13;

14. One (1) PC magazine for AR-15 assault rifle, marked as SW-RCS-16; and

15. Thirty (30) PCs live ammunition for AR-15 assault rifle 5.56MM collectively marked as SW-RCS-15.

Samantala, pagdating ng mga awtoridad sa lugar na kanilang target, naabutan nila ang isang lalaki na kinilalang si Elmar Torres Lumanat, nakasibilyan, na nahuli sa akto na may dalang cal. 45 pistol, na nagbigay alarma sa mga awtoridad.

Dahil dito, tinanong mga awtoridad si Torres kung may dokumento ang kanyang baril, subalit hindi ito nakapagpakita ng anomang papel na magpapatunay na legal ang kanyang armas.

Kung kaya’t agad na inaresto si Torres ng mga awtoridad sa paglabag sa RA 10591.

Kabilang sa mga nakumpiska kay Torres ang:

1. One (1) unit caliber 45 pistol magazine inserted now marked as ETL-01;

2. One(1) pc steel magazine color black for caliber 45 pistol marked as ETL-02;

3. Seven(7) pcs. of live ammunition for caliber 45 pistol marked as ETL-03;

4. One(1) pc steel magazine for caliber 45 pistol marked as ETL-04;

5. Ten(10) pcs. of live ammunition for caliber 45 pistol marked as ETL-05;

6.One (1) pc steel magazine for caliber 45 pistol marked ad ETL-06;

7. Ten(10) pcs of live ammunition for caliber 45 pistol marked as ETL-07;and

8. One(1) sling bag color black marked as ETL-08.

Nang pumutok ang implementasyon ng search warrant ng mga awtoridad sa Lone Star Farm na naging dahilan ng pagkakakumpiska ng matataas na kalibre ng mga baril, isang military general ang lumutang at pilit na inaarbor umano ang kaso laban sa mga suspek.

(JOEL O. AMONGO)

173

Related posts

Leave a Comment